Wednesday, January 2, 2008

BALIK-LARO

Maalinsangan ang panahon,
Hindi gumagalaw ang mga dahon;
Mataimtim kong minamasdan,
Ang maliit na aking halamanan;

Pawis ko’y patuloy na tumatagaktak,
Walang tigil ito sa kanyang pagpatak;
Nililingap ko ang aking kapaligiran,
Mga tao at bahay ay aking tinitigan;

Bawat galaw ay may kahulugan,
Binubuo sa aking munting isipan;
Panahon ay biglang nagbago,
Kasabay ng pag-uugali ng mga tao;

Dama ko ang init ng kanilang ulo,
Hindi mahinahon ang pagtatalo;
Ang lahat ay panay nakasigaw,
Hindi tuloy magkaintindihan;

Kabataan ko ay aking binalikan,
Noon kami ay simple lamang;
Konting laro at minsan ay tuksuhan,
Lumilipas ang maghapon di namalayan;

Sa harap ng tindahan sa may paaralan,
Doon ang madalas naming tipanan;
Mga dating kababata noong aking kabataan,
Tama na sa amin ang maghabulan at taguan;

Kale-kalesa, patintero,burukya at lubigan,
Text at minsan sa goma kami’y pahabaan;
Marami pang laro ang di malilimutan,
Ang di pinapansin ng bagong kabataan;

Panahon ay lumipas mga larong ito nagwakas,
Parang wala na akong nakikitang nang bakas;
Nasan na ang simpleng buhay noong araw,
Wala ng akong makita o walang matanaw;

Ngayon mga bata sugal ang libangan,
Text ng Cellphone ang kinahihiligan;
Sa Counter Strikes di na maaawat,
NBA Cards na ang tanyag at sikat;

Nais kong ibalik aming kabataan,
Upang kanila namang masaksihan;
Buhay na simple at makahulugan,
Laro ko noong araw kanilang matutunan;

1 comment:

dada said...

matanong ko lng po,mula noong panahon n kyo po ay SK nanapagplanuhan nrin bng magkaroon ng balik laro tulad nsbi mo s tula?
minsan b mangyari nrin n instead of doing basketball or valleyball n s totoo lng ay isang hiram n laro,bkit hindi nlng laro kung saan batay ito s dting laro n atin din nmn naabutan hndi b?kung anong laro ang maaring sumaklaw s isipan ng kbtaan n"uy nalaro ko nrin s wakas ito dti ndidinig ko lng o nbabasa",halimbawa ng piko o patintero ns totoo lng d lht ng bata o kbtaan ngyn alm p laruin yan?
db pwede subukan?corny pr s iba pero sasaklaw ito s kultura at pagpapahalaga s dting kinagisnang laro ntin.cguro o maari maenjoy din nila mging tipikal n bata.
hindi tumutingin s materyal n bagay mkakapagpaligaya s knila.