YAMANG PAMANA
Para kay Rafael Santos
March 10, 2000
Simula pagkabata ako ay nahubog na,
Sa mga pangaral at kanyang paalala;
Sadyang gumabay sa aking daanan,
Upang pangarap ay aking makamtan;
Sa kanya ay hindi sunod sa luho,
Ngunit busog sa pangaral na pantao;
Mga problema ko noong ako’y bata,
Bilin nya ‘wag pabayaang lumala;
Saksi ako sa sakit na kanyang dinanas,
Mga daing na parang walang lunas;
Takot sya na baka aking iwanan,
Kaya’t magdamag ang kwentuhan;
Pangarap nya na sa akin ibinigay,
Masayang pamilya at simpleng buhay;
Pag-aralin ang anak ay kailangan,
‘wag kalilimutan ang iyong magulang;
alam mo ang hirap ko noong araw,
masaya naman akong papanaw;
Ayos ang aking mga mahal na anak,
Sa buhay sila ay aking naigayak;
Si Inang malaki na ang hirap,
Pagkalinga lagi kong hinahanap;
Salamat sa diyos matatag lumaban
Isa’t isa ay tunay na nagmamahal;
Apo, nawa ay patawarin nyo ako,
Wala akong pamanang maiiwan sa inyo;
Hindi pinalad na yumaman si lolo,
Pakikisama at patas na buhay lang iho;
Amang, ika’y huwag mag-alala,
Pagmamahal mo ay aking nadama;
Sa paghahanda kila Ama’t Ina,
Sapat na ang maiiwang alaala;
Ginto ang kinang ng iyong naiwan,
Apelyidong kilala ng karamihan;
Dahil sa iyong ginawang pakikisama,
Walang yaman dito maikukumpara;
Santos Apelyidong aking iingatan,
Dala ko habang ako’y nabubuhay;
Malinis na ipapamana sa anak,
Pamanang yaman ng buong angkan;
Para kay Rafael Santos
March 10, 2000
Simula pagkabata ako ay nahubog na,
Sa mga pangaral at kanyang paalala;
Sadyang gumabay sa aking daanan,
Upang pangarap ay aking makamtan;
Sa kanya ay hindi sunod sa luho,
Ngunit busog sa pangaral na pantao;
Mga problema ko noong ako’y bata,
Bilin nya ‘wag pabayaang lumala;
Saksi ako sa sakit na kanyang dinanas,
Mga daing na parang walang lunas;
Takot sya na baka aking iwanan,
Kaya’t magdamag ang kwentuhan;
Pangarap nya na sa akin ibinigay,
Masayang pamilya at simpleng buhay;
Pag-aralin ang anak ay kailangan,
‘wag kalilimutan ang iyong magulang;
alam mo ang hirap ko noong araw,
masaya naman akong papanaw;
Ayos ang aking mga mahal na anak,
Sa buhay sila ay aking naigayak;
Si Inang malaki na ang hirap,
Pagkalinga lagi kong hinahanap;
Salamat sa diyos matatag lumaban
Isa’t isa ay tunay na nagmamahal;
Apo, nawa ay patawarin nyo ako,
Wala akong pamanang maiiwan sa inyo;
Hindi pinalad na yumaman si lolo,
Pakikisama at patas na buhay lang iho;
Amang, ika’y huwag mag-alala,
Pagmamahal mo ay aking nadama;
Sa paghahanda kila Ama’t Ina,
Sapat na ang maiiwang alaala;
Ginto ang kinang ng iyong naiwan,
Apelyidong kilala ng karamihan;
Dahil sa iyong ginawang pakikisama,
Walang yaman dito maikukumpara;
Santos Apelyidong aking iingatan,
Dala ko habang ako’y nabubuhay;
Malinis na ipapamana sa anak,
Pamanang yaman ng buong angkan;
1 comment:
iyong tula, tunay na maganda
kamusmusan ko ay aking naalala.
tuwing kalong nya aking nagugunita,
kanyang mga salita, tunay na kaaya-aya.
napakaswerte ko at akin pang nadatnan,
mga tawa nya't halik, ngayon'y inaasam.
sanay masaya sya, kapiling ng may-kapal,
at tayo'y ginagabayan, yaon ang tangi kong dasal.
salamat sa napakagandang tula! nabalikan ko ang nakalipas. napakaswerte ko at ako ay isang Santos.
Post a Comment